Marcoleta explanation of 'Yes' vote
August 7, 2025
Marcoleta explanation of 'Yes' vote
Senate session, 06 August 2025
Ginoong Pangulo, noong ang ating Panginoong Diyos ay nilalang po niya yung unang dalawang tao, pinagsabihan niya rin po, eh. Mayroon siyang isang sinabi sa kanila na para na rin po sa kanilang kapakanan. Ang sabi po niya, "Kayong dalawa, lahat ng nakikita n'yo na bunga ng halamanan sa inyong paligid, at lahat ng mga hayop na nakikita n'yo na gumagala r'yan, pwede ninyong kainin...para sa inyong lahat yan. Ngunit yung natatangi na puno na nariyan sa gitna ay huwag ninyong gagalawin." Matatag po ang kabawalan ng ating Panginoong Diyos.
Kaya lang po, mayroon pong isang ahas na biglang nakialam. Sabi niya dun sa babae, "Sinabi ba ika ng Panginoong Diyos na pagka kumain kayo d'yan sa bunga nung nasa gitna na yun ay kayo'y mamamatay?" "Oo," sabi nung babae. "Ay hindi totoo yan! Ang totoo n'yan pagka kumain kayo d'yan, mas lalo kayong tatalino."
Ito namang si babae, Mr. President, nakinig. At noong makinig siya, pinuntahan pa niya yung asawa niya. Yun po yung kauna-unahang 'ander de saya' po, Mr. President. Napakain din po yung asawa.
Ano po ang ibig kong sabihin, bakit ko po inilalahad ang pangyayaring ito? Mayroon na pong kapasyahan, eh. Andami pong gustong sumawsaw, andami pong gustong magsabi ng kaiba yung pananaw at paniniwala doon sa kapasyahan na iginagalang nating lahat.
Ang ibig ko po sanang sabihin, magpakaingat-ingat naman tayo kung sino-sino na lang ang nagpapayo sa atin. Kung mapapansin po n'yo, ang karamihan ng nagpapayo na yan, may pagkakatulad po silang lahat:
-
Una, lahat po sila ay hindi nila binasa nang kumpleto yung Rules of Procedures ng Impeachment Proceedings sa House of Representatives. Sapagat kung binasa po nila yun, malamang hindi po ganoon ang kanilang ibinubulong.
-
Pangalawa, lahat po ng yun ay puro paborito po ng mainstream media. Sila na lang po yung tinatanong, eh.
-
Pangatlo, lahat po ng yun, walang pagmamahal sa mga Duterte.
Ngayon, kung iyong kalipunan po ng mga tao na yun, na karamihan po sa kanila'y nagsasabi, sila po'y mga 'legal luminaries.' Tingin ko po sa kanila, yung iba ay 'legal mercenaries' eh, Mr. President, with all due respect to the word.
Kaya po kung minsan, imbes na po malinawan ang marami po nating kababayan, nagkakaroon po ng pag-aalinlangan. Yung iba po ay naililigaw, nalilinlang sapagkat iba't iba. Kaiba yung mga paniniwala, ipinipilit, at gustong ipilit na yun pa ang mananaig, kaysa doon sa kapasyahan na po na ibinaba ng Korte Suprema.
Eh kung sabagay nga po, sa una ko pong paghahalimbawa eh, Panginoon Diyos na nga po yun, kinontra pa ng ahas eh.
Ginoong Pangulo, sa mga abogado po palaging may biruan eh. Kasi po sa lahat ng pagdedesisyon ng ating korte, lalong lalo na po ang Kataas-taasang Hukuman, hindi naman po lahat ay agreeable. Mayroong partidong aggrieved siya, mayroong partidong masaya siya. Ngunit sa katapos-tapusan, wala po tayong magagawa kundi tanggapin ang kapasyahan. Minsan po sinasabi nga po natin kahit pabiro, eh alam n'yo naman basta desisyon ng Korte Suprema, ay nagiging bahagi na ng ating mga batas, mali man o tama.
Yun po ay nasa Article 8, Civil Code, na binanggit na po kanina ni Senator Bato, na sinasabi po, "Judicial decisions applying or interpreting the laws on the Constitution shall form part of the legal system of the Philippines." Wala na po tayong magagawa doon. Batas na po yun eh.
Sa akin pong naunang talumpati kanina, Ginoong Pangulo, hindi ko na po uulitin, I will just request that my entire speech, Mr. President, be incorporated, by way of preference, to be included in this explanation in my voting 'Yes' for my own motion. Thank you very much, Mr. President.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
