Arts Digest Mali
SEE OTHER BRANDS

Following arts and entertainment news from Mali

Manifestation of Sen. Bam Aquino on SC decision

PHILIPPINES, August 6 - Press Release
August 6, 2025

Manifestation of Sen. Bam Aquino on SC decision

Maraming salamat, Mr. President.

This is a manifestation, not an interpellation, Mr. President. At kanina pa ako nakikinig. Marami po sa mga puntong nabanggit na nang mga kapwa nating senador ay sumasang-ayon po tayo at tama. Napag-usapan na po ang independence ng Senado. Kung gaano kahalaga ang papel na ginagampanan natin sa ating bansa, sa checks and balances ng ating gobyerno. At alam rin naman po ng mga kasama natin na sa caucus, sinabi ko rin po na ang posisyon ko ay dapat mag-convene ang impeachment court at doon mag-decision kung ano ang mga susunod na hakbang pagdating po sa impeachment case. That's known to everyone. I've said that in the media.

Mr. President, in our history, nagkaroon po ng mga panahon na ang Senado ay nag-assert ng kanyang independence bilang isang co-equal branch of government. Nangyari po 'yan many times. I remember in the '90s, kahit po ang executive, at that time, President Cory Aquino, nagnais na manatili ang US bases dito sa ating bansa. Iyong Senado, nanindigan. Kahit puro kaalyado, kahit puro kakampi at kamag-anak nasa Senado, nag-decide pa rin iyong Senate to assert its independence and to do away with the US bases.

Nangyari po 'yan many times in our history, Mr. President. Kaya palagay ko, iyong role ng Senado, napakahalaga. Pagdating sa pagpapanatili ng checks and balances. And Mr. President, marami tayong tungkulin. May tungkulin gumawa ng batas. May tungkulin sa pagbuo ng maayos na budget. May tungkulin ng oversight. Pero meron din pong tungkulin pagdating sa pananagutan or accountability. At iyon po iyong sole power to try and decide all cases of impeachment.

Ang posisyon ko, Mr. President, at nabanggit rin ito ng iba nating kasama, ay mahalaga ang i-assert natin ang ating independence. Mahalaga po na itong papel na ginagampanan natin sa ating Constitution ay pahalagahan po natin. Mahalaga po na manatili ang independence ng ating Senado bilang isang co-equal branch of government.

Mr. President, posisyon ko rin po na nagsimula na ang impeachment proceedings. Nag-robe na po. Nagsimula na, mayroong summons na binigay. May response na po si Vice President Sara. Kami pong mga bago, may mga robe na rin po, pero hindi pa po nadudumihan. 'Di po magagamit. Ang posisyon ko po, mag-convene ang impeachment court at doon natin i-decide ang mga bagay-bagay na ito.

Mr. President, may dalawang bagay rin na nailabas na hindi pa siguro napag-uusapan. Let me read, Mr. President, Article Nine, Section Three of our Constitution, Accountability of Public Officers. In case the verified complaint or resolution of impeachment is filed by at least one-third of all members of the House, the same shall constitute the Articles of Impeachment and trial by the Senate shall forthwith proceed.

Wala pong dagdag po dito, 'no? Dito po sa gallery, kasama natin dalawang framers of our Constitution. Nandito si Professor Ed Garcia at si former Chairperson Christian Monsod. Kanina po nagbubulungan kami. Sabi ko, Nung ginawa niyo 'to, bakit parang ganoon ka simple? Simpleng-simple lang. Ito lang. At sabi nga po nila, noon daw, one-half, two-thirds, binaba to one-half sa deliberation, nag-end up sa one-third. Iyong desisyon ay dahil sa kabilisan. Dahil mahalaga daw ng mabilis. Pag may one-third members of the House ang pipirma, mabilis na pupunta sa Senado. At ito po, tinatanong ko sa kanila dahil sila po iyong nagbuo ng ating Constitution.

You know, many times, Mr. President, umiikot tayo sa ating bansa. Bi-bring-up ko lang po yung Free College Law, 'no? Marami po sa atin dito nagtulungan para sa batas na iyan. Meron kaming nakausap na eskwelahan. Ini-explain sakin yung opt-out provision. Kung paano sila nag-charge ng mga estudyante dahil sa opt-out provision. At sabi ko sa kanila, Mali. Mali ang interpretation ninyo. Yung interpretation ninyo, wala iyan sa aming intention. Intention namin, libre ang kolehiyo sa mga kabataan. At nung nag-argumento po sa akin, nasabi ko, "Mas alam ko iyan kasi ako ang nagbuo ng batas na iyan. Mas alam namin iyan dahil kami ang nagsulat ng provision na iyan. In the same sense, Mr. President, the framers of our constitution, mas alam nila. Mas alam nila kung ano iyong intent ng ating Constitution. Wala pong labis, walang dagdag. Many times, Mr. President, tinatanong tayo. Usually pag campaign time, tinatanong kami, uh, "Mr. Senator, 'di ba dapat meron on education attainment requirement? Iyong pagiging senador? At sinasabi ko palagi, "Wala, kasi wala po iyan sa ating Constitution. Wala pong dinagdag. Huwag tayong magdagdag nang wala pong nakasaad diyan. Gaya po niya, binabanggit ko lang dito kaya napag-uusapan. May mga dinagdag na procedure. Alam ko po, siguro tama po ang sinasabi ni Senador Marcoleta, baka maganda man ang intention ng Supreme Court. Pero aminin natin, wala iyong ibang mga bagay diyan dito sa ating Constitution.

Pangalawang punto. Ito di rin napag-uusapan pa. Nabanggit dito, Huwag na tayong lumaban kasi matatalo naman tayo. Of course, Mr. President, it is improbable. Aaminin ko po iyan. Very improbable na magbago ang Korte Suprema with 15 votes, but it's not impossible. Improbable at impossible, magkaiba po iyan, firstly.

But secondly, Mr. President, may mga panahon na kahit alam nating matatalo, kailangan pa ring lumaban. Tayo lahat dito dumaan diyan. Ako dumaan din diyan. Kahit mukhang hirap, kahit mukhang matatalo, kailangan lumaban pa rin. Tumayo tayo sa sarili nating paa, mag-assert tayo ng ating independence. Ipaliwatin natin iyong ating saloobin bilang isang grupo. Ipakita natin na co-equal branch of government tayo na mayroon tayong punto de bista. At kahit matatalo, kahit sa kadulu-duluhan ng lahat, rerespetuhin din naman natin ang Supreme Court. Mahalaga na mailagay kung ano ang nasasaloobin ng ating grupo. Mahalaga pa rin na malagay natin kung ano talaga ang posisyon ng Senado pagdating sa ating independent nature and being the sole authority to try and decide impeachment cases.

Kahit po matatalo. So para sa akin, hindi katanggap-tanggap ang posisyon na dahil matatalo rin tayo, huwag na tayong lumabas. Paminsan-minsan mahalaga na ilagay naman natin ang ating posisyon kahit alam natin na hindi pabor sa atin ang mga bagay-bagay. Thank you, Mr. President. We'd like to thank Senator Marcoleta for his time.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Share us

on your social networks:
AGPs

Get the latest news on this topic.

SIGN UP FOR FREE TODAY

No Thanks

By signing to this email alert, you
agree to our Terms & Conditions